Ang bansang Pransiya: Kasaysayan at Panitikan.

Kilala ang bansang Pransiya sa pagiging kasapi nito sa Unyong Europiya. Isa ito sa mga malalaking bansa na bumubuo sa kontinenteng Europe. Paris ang ngalan ng kabisera nito. Demokratikong Republika ang uri ng pamahalaan na umiiral sa bansang nasabi. Ang bansang Pransiya ay nagsilbing pandaigdigang sentro ng sining at agham. Maraming kaalaman at pagkakadiskubre sa mundo ang naiambag ng bansang Pransiya. Kabilang na rito Renaissance.


Ang salitang Renaissance (Italy) ay nangangahulugang “muling pagsilang.” Isa itong kilusang pilosopikal na nagbigay daan sa mga mamamayan noon magkaroon ng kaalaman sa sining, agham at iba pang kaalamang pisikal. Ang kilusan na nabanggit ay nagbukas ng daan sa mga tao noon na uhaw sa kaalaman. Dahil sa kilusan na ito ay maraming nagbago sa pananaw at kaalaman ng mga tao tungkol sa sistema ng kalakal at negosyo. 


Sa usaping pangturismo ay hindi rin magpapatalo ang bansang Pransiya. Ang Pransiya ay naging sentro ng turismo sa Europe. Taon-taon ay sila ang may pinakamataas na numero na turista dahil sa mga makasaysayang mga gusali na matatagpuan sa bansang ito. Ang mga madalas na puntahan ng mga turista ay ang sikat na sikat na Eiffel Tower, Arc de Triomphe de l’ร‰toile, Louvre at Opรฉra Garnier. Ayon sa UNESCO, nakapagtala sila ng 41 na Lugar na galing Pransiya sa Listahan ng Pandaigdigang Pamana. 


Sa larangan ng Panitikan, ang Pransiya ay may maraming bilang ng mga manunulat. Ang panitikan ng Pransiya ay ang pinakamabisang daan para matutunan ang kasaysayan, kaugalian at kultura na nasa bansang ito. Kung sakali mang marinig ang mga salitang Panitikan ng Pransiya, maiisip natin agad ang mga pamagat na Little Prince, Hunchback of Notre Dame at Man in the Iron Mask. Les Misรฉrables at The Three Musketeers, ang mga ito ay nananatiling isa sa mga pinakasikat na mga obrang musikal.


Ang Panitikan ay pinapahalagahan sa bansang Pransiya. Sa kadahilanan na isa ito sa mga naging instrumento sa pagpapalalim ng kanilang pagkakakilanlan. 


Nang dumating ang “nobela” noong ikalabing-siyam na siglo, nagpang-abot ang kasikatan nito sa tula at drama noon. Maraming mga manunulat na Pranses ang sumubok sa ganitong uri ng pagsulat. 


Sa kasalukuyan, mayroon ang bansang Pransiya ng mga kontemporaryong mga akda na tumatalakay sa mga isyu na ganap at nararanasan sa ibang panig ng mundo. Terorismo, kawalang trabaho, diskriminasyon, at karahasan ang madalas na pangunahing kaisipan ng mga akda. 


Tunay ngang mayaman sa kultura at panitikan ang bansang Pransiya. Kilala ang Pransiya sa pagkakaroon nito ng pagmamahal at respeto sa kanilang sariling bansa kaya’t isa sa hangarin nila ang pagpapasalin dila ng mga panitikan nila na tumatalakay sa mga mahahalagang isyu na ganap na ganap sa mundo. 



Comments

  1. ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ™Œ๐Ÿ™Œ๐Ÿ‘๐Ÿ‘

    ReplyDelete
  2. Napakahusay Veryverynoiice at sa mashoutout mo ako sa iyong next blog

    ReplyDelete
  3. Magaling ๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘

    ReplyDelete
  4. Ang mahal na pala ng presyo ng kwek-kwek muntik na kong magalit sa tindera buti na lang nabasa ko ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. same,i relate...kilala mo yung tindera?

      Delete
    2. wala pa ring soft boiled kwek-kwek

      Delete
    3. pa upgrade niyo na yung local kwek kwek grocery store niyo diyan...masyadong outdated na yan vro

      Delete
    4. pasok yan sa "Top 10 Unsolved Mysteries''

      Delete
  5. Ang ganda ng nilalaman ng blog mo!!! Mahusaaay!

    ReplyDelete

Post a Comment