Posts

Showing posts from November, 2020

Ang bansang Pransiya: Kasaysayan at Panitikan.

Kilala ang bansang Pransiya sa pagiging kasapi nito sa Unyong Europiya. Isa ito sa mga malalaking bansa na bumubuo sa kontinenteng Europe. Paris ang ngalan ng kabisera nito. Demokratikong Republika ang uri ng pamahalaan na umiiral sa bansang nasabi. Ang bansang Pransiya ay nagsilbing pandaigdigang sentro ng sining at agham. Maraming kaalaman at pagkakadiskubre sa mundo ang naiambag ng bansang Pransiya. Kabilang na rito Renaissance. Ang salitang Renaissance (Italy) ay nangangahulugang “muling pagsilang.” Isa itong kilusang pilosopikal na nagbigay daan sa mga mamamayan noon magkaroon ng kaalaman sa sining, agham at iba pang kaalamang pisikal. Ang kilusan na nabanggit ay nagbukas ng daan sa mga tao noon na uhaw sa kaalaman. Dahil sa kilusan na ito ay maraming nagbago sa pananaw at kaalaman ng mga tao tungkol sa sistema ng kalakal at negosyo.  Sa usaping pangturismo ay hindi rin magpapatalo ang bansang Pransiya. Ang Pransiya ay naging sentro ng turismo sa Europe. Taon-taon ay sila ang...