Posts

ENGLAND: Kasaysayan at mga dapat alamin.

Ang England ay isang bansa na kasama sa United Kingdom. Ito ay may pambansang awit na "God Save the Queen." Ang London ang kabisera ng bansang ito. Sa kasaysayan, Celts ang mga unang nanirahan sa UK. Kilala na ang England ay nasakop ng mga Romano, Danes, Angles,Saxon, Jutes at Normans. Pagdating sa kliman, mayroon ang England ng tag-ulan, lalo na sa sikat na sikat na Lake District. Pagdating sa Ekonomiya, ang England din ay nagpapakitang-gilas dito. sikat na sikat dito ang industriya ng pharmaceuticals at mga chemical. Malaki rin ang ambag ng turismo sa ekonomiya ng England, dahl taun-taon ay binibisita ito ng milyung-milyong mga turista galing sa iba't ibang bansa. Isa sa mga madalas bisitahin sa England maliban sa mga sikat na tourists spot, ay ang kanilang mga kultura. Kilala ang England sa pagkakaroon ng maraming bilang ng mga sinehan, museo, aklatan at  gallery. Isa sa mga sikat na aklatan sa mundo ay matatagpuan sa London, ang British Museum. Ang British Museum ay ...

Ang bansang Pransiya: Kasaysayan at Panitikan.

Kilala ang bansang Pransiya sa pagiging kasapi nito sa Unyong Europiya. Isa ito sa mga malalaking bansa na bumubuo sa kontinenteng Europe. Paris ang ngalan ng kabisera nito. Demokratikong Republika ang uri ng pamahalaan na umiiral sa bansang nasabi. Ang bansang Pransiya ay nagsilbing pandaigdigang sentro ng sining at agham. Maraming kaalaman at pagkakadiskubre sa mundo ang naiambag ng bansang Pransiya. Kabilang na rito Renaissance. Ang salitang Renaissance (Italy) ay nangangahulugang “muling pagsilang.” Isa itong kilusang pilosopikal na nagbigay daan sa mga mamamayan noon magkaroon ng kaalaman sa sining, agham at iba pang kaalamang pisikal. Ang kilusan na nabanggit ay nagbukas ng daan sa mga tao noon na uhaw sa kaalaman. Dahil sa kilusan na ito ay maraming nagbago sa pananaw at kaalaman ng mga tao tungkol sa sistema ng kalakal at negosyo.  Sa usaping pangturismo ay hindi rin magpapatalo ang bansang Pransiya. Ang Pransiya ay naging sentro ng turismo sa Europe. Taon-taon ay sila ang...